Welcome Guest
THE PLC :)
Aralin 23:
Ang Paglalarawan ng Di-Ganap na Kompetisyon

                                               Kabaliktaran ng ganap na kompetisyon ang di-ganap na kompetisyon. Sa pagkakataong ito, may hadlang sa pagpasok ng prodyuser sa industriya, may kumokontrol ng presyo, at mabibilang ang dami ng mamimili at nagbibili  

                                              Monopoly ang tawag sa estruktura ng pamilihan na iisa ang nagbibili ng produkto; ibig sabihin nito ay may isang prodyuser ang kumukontrol ng malaking porsiyento ng supply ng produkto sa pamilihan. Ang mga katangian ng monopoly ay ang sumusunod: a.) may kakayahang hadlangan ang kakompetensiya b.) Iisa ang prodyuser at c.) walang pamalit. Ang mga monopolista ay may kapangyarihan na kontrolin ang presyo at dami ng produkto

                                        Monopsonyo naman ang tawag sa estruktura ng pamilihan na kabaliktaran ng monopoly. Sa pagkakataong ito, mayroon lamang iisang konsyumer ng produkto. Marami ang maaaring lumikha ng produkto at serbisyo, ngunit iisa lamang konsyumer sa pamilihan.



Our poll
Rate my site
Total of answers: 175
Statistics

Total online: 1
Guests: 1
Users: 0
Login form
Search
Site friends
  • Create a free website