Welcome Guest
THE PLC :)
ARALIN 41

 

Ang Papel na Ginagampanan ng Industriya sa Ekonomiya


                Ang ekonomiya ay pinagkakalooban ng tatlong mahahalagang sektor na may kanya-kanyang gampanin sa ekonomiya. Ito ay ang:

·         Agrikultura

·         Industriya

·         serbisyo

                Ang Industriya ay kumakatawan sa sekundaryang sektor ng bansa. Ito ay may kinalaman sa paglikha ng mga industrialgoods Na kailangan ng ekonomiya. Sinasaklaw nito ang lahat ng pagawaan na naitayo sa isang ekonomiya.

Mga Gawain sa Sektor ng Industriya

1.       Nagkakaloob ng Hanapbuhay

-          Sa mga gawain na nakapaloob sa sektor na ito, pinakamaraming manggagawa ang nasa pagmamanupaktura. Ibig sabihin ang mga pagawaan, pabrika, at tindahan na nagpoprodyus ng mga produkto at mas maraming manggagawa ang nagkakaroon ng hanapbuhay.

 

2.       Kumukita ng Dolyar

-          Malaki ang ambag ng produktong elektroniks,semi conductor at textiles sa kita ng bansa mula sa pag-eexport.

-          Madaling ipagbili ang mga produkto ng industriya sa pamilihan sapagkat hindi madaling mabulok at masira kaya naman mas kumikita tayo ng dolyar sa mamamagitan ng mga produktong industiyal.

3.       Nagpoproseso ng mga Hilaw na Materyales

-          Ang mga hilaw na materyales at produktong agrikultural na binili mula sektor ng agrikultura ay pinoproseso ng industriyal upang makalikha ng mga produkto na kailangan sa pamumuhay ng tao at ekonomiya.

-          Napakikinabangan ang mga hilaw na materyales o kahit ang produkto ng agrikultura dahil sa paggamit ng industriya upang maging yaring produkto.

4.       Nakagagamit ng Makabagong Teknolohiya

-          Bumibili ng mga makabagong makinaryang pamproduksiyon na gagamitin upang paunlarin industriya at mapabilis ang mga gawain.

5.       Nagsu-supply ng Yaring Produkto

-          Lahat ng yaring produkto na ginagamit ng tao at kailangan ng ekonomiya ay nagmumula sa industriya.

-          Ang mga bagong teknolohiya, mga nagtataasang gusali, modernong pasilidad ng komunikasyon at transportasyon, makinarya sa pagsasaka, mataas na uri ng binhi at impraktruktura para sa agrikultura ay galing sa sektor ng industriya.

 

Suliranin ng Industiya

  • 1.       Kakulangan ng Suporta at Proteksiyon ng Pamahalaan
  • 2.       Hindi angkop ang Proyekto
  • 3.       Kawalan ng Sapat na Puhunan
  • 4.       Import dependent
  • 5.       Kompetisyon sa mga dayuhang kompanya at industriya

 

Solusyon sa mga Suliranin ng Industriya:

  • 1.       Kalooban ng pautang ang mga lokal na mga negosyante
  • 2.       Political will ng gobyerno
  • 3.       Buwagin na ang import liberalization ng pamahalaan
  • 4.       Kausapin ang dayuhang kompanya na huwag makipagkompetensiya sa mga lokal na industriya ng bansa
  • 5.       Linangin ang mga yaman ng bansa para sa pangangailangan ng industriya
  • 6.       Bigyan halaga at prayoridad ang pangangailangan ng industriya
  • 7.       Bigyan ng insentibo at subsidy ang mga maliit na kompanya at iyong nagsisimula pa lamang
  • 8.       Ipatupad ang proteksiyonismo ng pamahalaan

 

Pagkakaintindi :

 

Sa araling ito mas tinatalakay ang importansya na industriya sa ating ekonomiya. Hindi lamang ang agrikultura ang siyang tumutulong para maging maganda at maayos ang ating ekonomiya kundi rin pati itong industriya. Napapaunlad ang ating ekonomiya ng industriya dahil sinasaklay nito ang mga produkto at serbisyong kailangan ng bansa.

Mayroon ngang mga gawain ang sektor na ito upang malaman ang kahalagahan at kanyang mga gawain para sa bansa. Ang mga pagkakaloob ng trabaho, pagkita ng dolyar ng ating bansa, pagproseso ng hilaw na materyales upang makagawa nang panibagong produkto, paggamit ng makabagong teknolohiya at ang pagsu-supply sa atin ng mga yaring produkto na ating ginagamit para sa ikagagaan ng atin buhay.

Ngunit mayroon pa ring mga suliranin ang kinahaharap nito na siyang naging hadlang sa pag-unlad ng sektor na ito at ang naging dahil ng mabagal na pag-unlad ng ating ekonomiya. Pero kahit man ganoon ay gumagawa pa rin ang pamahalaan ayusin ang mga sugot na ito upang masiguro ang pag-unlad ng ekonomiya. Kaya naman, mayroong mga solusyon sa bawat problema at suliraning kinakaharap ang bansa. Isa na rito ang pagpapautang sa mga lokal at maliit na negosyante para naman mabigyan ng sapat na suhunan ang kanilang negosyo at uoang mapalawak pa nila ito.

 



Our poll
Rate my site
Total of answers: 175
Statistics

Total online: 1
Guests: 1
Users: 0
Login form
Search
Site friends
  • Create a free website