Welcome Guest
THE PLC :)
ARALIN 42

 

Ang Nasyonalisasyon at Pagsasapribado

 

                Ang pag-unlad ng ating bansa ay ang pangunahng hangarin ng pamahalaan. Kaya naman gumagawa sila ng desisyon kung saan kapakanan ng bansa ang kanilang isinasaalang-alang. Mayroon na ngang pagkakataon na nakikialam na ito sa pagpapatakbo ng mga korporasyon para sa ikabubuti ng ating bansa.

 

                Ang korporasyon ay isang organisasyon na pag-aari ng maraming tao na itinatag nang naaayon sa batas.

 

Nasyonalisasyon ng Korporasyon

-          Ang nasyonalisasyon ay pamamahala ng pamahalan sa mga negosyo, industriya, at korporasyon na lumilikha ng mga produkto at serbisyo na kailangang-kailangan ng mga mamamayan.

-          National Power Corporation (NAPOCOR), Philippine Asumement and Gaming Corporation (PAGCOR), Land Band of the Philippines (LBP), Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) ay ilan sa mga malalaking orporasyon na hinahawakan ng pamahalaan upang magbigay ng serbisyo sa mga tao at ma-monitor ang takbo ng negosyo at mabantayan ang pagtakda ng mga presyo.

-          Ang kita ng pamahalaan sa mga hinahawakang korporasyon at negosyo ay gingamait sa pagsasagawa ng mga proyekto at programa na mag papaunlad sa pamumuhay natin at sa lipunan.

 

Pagsasapribado ng Korporasyon

-           Ito ay paglilipat ng pamamahala ng mga korporasyon na hawak ng pamahalaan sa pribadong sektor.

-          Si dating Pangulong Corazon Aquino ang nagpasimula nito.

-          Ang pagsasapribado ay isinagawa upang mabawasan ang gastusin ng pamahalaan sa mga di-kapaki-pakinabang na korporasyon.

 

Tatlong Paraan sa pagsasapribado ng isang korporasyon:

§  Divestiture – pagbili ng mga negosyo sa mga komersyong potensyal sa pribadong sektor.

§  Contracting – ang paglagda ng kontrata ng pamahalaan na ang ipinagkakaloob sa pribadong kompanya ang pamamahala ng produksyon ng produkto at serbisyo. Ito ay ginagawa upang masiguro ang supply ng mga produkto at serbisyo ng pamilihan.

§  Voucher – ang paggamit ng garantiya, ang pamahalaan ay magbibigay at mag-iisyu ng mga katibayan na magagamit ng mga konsyumer sa pagbili ng mga produkto at serbisyo ng mga pribadong kompanya.

 


Pagkakaintindi :

 

                May mga paraan ang ating pamahalaan uopang ang kanilang pangunahing hangarin sa bansa na mapa-unlad ito ay masakatuparan. Ila sa mga ito ay ang nasyonalisasyon ng korporasyon at pagsasapribado ng korporasyon.

Ang mga kanila kinikita sa nasyonalisasyon ay ginagamit ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyekto at programa para sa ating bansa. Samakatwid, bumabalik pa rin sa mga mamamayan ang anumang tubo na nakukuha ng pamahalaan sa mga hinahawang korporasyon dahil ang mga ito ay gingamit sa pagsasaayos at pagsasagawa ng mga proyekto at programa na siyang pinakikinabangan naman ng mga tao.

                 Ang pagsasapribado ng isang korporasyon naman ay ginagawa nila upang mabawasan ang gastos ng pamahalaan sa mga korporasyon hindi naman napakikinabangan. At upang magamit nila ito upang pandagdag sa pondo sa kanilang proyekto upang mas maging maayos at pagsasagawa ng mga programa o proyekto man.

                Ngunit hindi madali ang pagsasapribado dahil marami pa ito dapat pagdaanan bago tuluyang maging pribado ang isang korporasyon. Ang mga ito ay ang Divestiture, Contracting, at Voucher. Pero kahit man ganoon ay marami pa rin ang nagsasabing higit itong epektibo sa pamamahala ng mga korporasyon at sa pagkakaloob ng mga serbisyong kailangan ng mga tao.

 

 



Our poll
Rate my site
Total of answers: 175
Statistics

Total online: 1
Guests: 1
Users: 0
Login form
Search
Site friends
  • Create a free website