Welcome Guest
THE PLC :)






Kahalagahan sa Kabila ng Ganti ng Kalikasan

 

          Inilabas ng Department of Agriculture (DOA) ang  ulat na mahigit 30% ng buong ektarya ng sakahan sa bansa ang nasalanta matapos ang walang tigil na ulan. Paano pa makakaahon ang bayan kung tila ito ay napilayan pa ng isang paa matapos ang mga dumaang delubyo?

          Sinasabing ang agrikultura ay isang malaking salik sa pag-unlad ng isang bansa tulad ng Pilipinas na biniyayaan ng yamana-lupa at yamang-tubig. Mahigit 20% ng Gross Domestic Products (GDP) ng bansa ay nanggagaling sa agrikultura. Bukod pa rito, tinatayang 39.8% ng manggagawa sa bansa ay nagtatrabaho sa ilalim ng sektor ng agrikultura. Maaaring magsasaka, mangingisda, at marami pang iba.

          Sa nagdaang panahon, naranasan ng bayan ang bagsik ng kalikasan. Mahigit 3,900,000 ektarya ng lupa ang nasira. Dahil sa pangyayari, inaasahan na ng pamahalaan ang pagtaas ng mga bilihin na sinasabing may malaking epekto sa ekonomiya ng bansa.

          Mahihinuhang ang mga unos na dumaan sa bayan ay tila pumukaw sa bawat mamamayan. Nawa’y mas lalong pagtuonan ng DOA ang pagpapaunlad ng agrikultura sa bansa. At higit sa lahat, sana’y natutunan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng Inang Bayan matapos paghigantihan ng kalikasan.



Our poll
Rate my site
Total of answers: 175
Statistics

Total online: 1
Guests: 1
Users: 0
Login form
Search
Site friends
  • Create a free website