Welcome Guest
THE PLC :)




ARALIN 39

 

 Sektor ng Agrikultura


         Ang Pilipinas ay pinagpala sa pagkakaroon ng masaganang likas na yaman, lalo na ang ating kalupaan.

         Ang Agrikultura ay isang agham na may kinalaman sa paghahalaman at pagpaparami ng mga hayop. Ang sektor ng agrikultura ay isa sa mahalagang sektor ng ekonomiya na may malaking gampanin sa pagpapaunlad.

 

Kahalagahan ng Agrikultura

·         Bumibili ng mga produkto ng industriya- ang mga produktong nagagawa ng industriya ay bibilhin ng mga magsasaka tulad ng pataba, pamatay sa peste, makinarya at iba pa.

·         Pinanggagalingan ng mga hilaw na materyales- ang mga hilaw na materyal na ginagamit ng industriya ay buha sa agrikultura

·         Nagpapasok ng dolyar sa bansa- malaki ang kinikitang dolyar ng ating bansa buhat sa produktong agrikultural gaya ng abaka, seaweeds, nata de coco, prutas at iba pa

·         Nagbibigay hanapbuhay- ang ating mga manggagawa na di-nakapagtapos ng pag-aaral ay nagiging kapaki-pakinabang sa agrikultura. Ang agrikultura ang nagbibigay sa kanila ng trabaho.

 

Mga Suliraning Kinakaharap ng Sektor ng Agrikultura

 

  • Kakulangan ng sapat na Imprastruktura at puhunan- maraming produktong agrikultura ang di napakikinabangan dahil nasisira, nabubulok, at nalanta at dahil na rin sa kakulangan ng imbakan
  • Pagdagsa ng dayuhang produkto- ang pagdagsa ng dayuhang produkto ang dahilan ng paghina nag bilihin ng agrikultura.
  • Mababang presyo ng produktong agrikultura- ang mga ani ng mangingisda at magsasaka ay mabibili lamang sa murang halaga kaya hirap ang mga ito na magkaroon ng malaking tubo na kailangan sa pagtuon sa kanilang pangangailangan.
  • Kakulangan sa Makabagong Kagamitan at teknolohiya- ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng makalumang kagamitan gaya ng araro at kalabaw na dahilan ng mabagal nilang gawain.
  • Implementasyon ng Tunay na Reporma sa Lupa- hindi matupad ang pangarap ng mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupain
  • Paglaganap ng sakit at peste- maraming hayop ang namamatay dahil sa iba’t-ibang sakit. Maraming ding tanim ang nasisira dahil sa mga peste.

 


Our poll
Rate my site
Total of answers: 175
Statistics

Total online: 1
Guests: 1
Users: 0
Login form
Search
Site friends
  • Create a free website