Kapag pinagsama-sama ang lahat ng supply ng bawat supplier ay makukuha ang market supply. Isinasaad ng batas ng supply na habang tumataas ang presyo, marami ang handang ipagbili ng mga prodyuser. Ngunit kapag ang presyo ay bumababa, kakaunting produkto ang handang ipagbili ng mga prodyuser. Hindi lamang presyo ang nakakapagbago sa supply nakaaapekto rin ang dami ng nagtitinda, subsidy, teknolohiya, panahon/klima, ekspektasyon, presyo ng alternatibong produkto, at presyo ng mga salik sa produksyon.
|