Welcome Guest
THE PLC :)
ARALIN 43

 

Ang Medium Term- Philippine Development Plan (MTPDP)

 

Ang industriyalisasyon ay kalagayan ng isang ekonomiya na nagpapakita ng kapasidad at kakayahan ng isang bansa na makalikha ng maraming produkto mula sa hilaw na materyales ng agrikultura na tutugon sa mga pangangailangan ng lokal at pandaigdigang pamilihan.

Mga Planong Pangkabuhayan

Ø  Panahon ni Dating Pangulo Fidel V. Ramos

-          Planong Pangkabuhayan ng Pilipinas o Medium – Term Philippine Development Plan (MTPDP) ay kanyang inaprubahan noong Disyembre 15, 1992

-          Tinawag itong Pilipinas 2000 noong 1993-1999

-          Ito ay hakbang tungo sa pagiging industriyalisadong bansa sa taong 2000.

-          Layunin nitong paunlarin ang bansa

Ø  Panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo

-          Naglunsad  ng 10-point Agenda na napakaloob sa kanyang Medium – Term Philippine Development Plan mula 2004-2010.

-          Layunin nito ang pangkabuhayan at paunlarin ang ekonomiya ng bansa.

-          Karamihan sa kanyang programa at proyekto ay nakatuon sa macroeconomics ng bansa tulad na: Mabilis na pagtaas ng GDP sa 7-8% sa taong 2009-2010.

-          Naglunsad at nagpatupad din ang dating pangulo ng iba’t ibang proyekto at programa para matamo katuparan ng planong pangkabuhayan. Ito ay ang mga:

v  Reporma sa Buwis

-nagpatupad ng iba’t ibang sistema ng pagbubuwis at isa na rito ang RVAt

v  Kabayanihan

-Pagkakaloob ng serbisyo sa mga OFW

v  KALAHI (kapit-bisig Laban sa Kahirapan)

-Programa ukol sa kahirapan

v  Ginintuang Masaganang Ani

-Mapalakas ang sektorng pagsasaka at pangingisda para magkaroon ng seguridad sa pagkain at masustinahan ang pangangailangan sa pagkain ng bansa.

 

 

Pagkakaintindi :

                Ang araling ito ay nakatuon sa mga dating pangulo at ang kanilang Medium – Term Philippine Development Plan para sa bansa. Nakatuon ito sa industriyalisasyin na nagpapakita sa kapasidad at kakayahan ng isang bansa na makalikha na mga produkto na tutugon sa pangangailangan ng lokal at pandaigdigang pamilihan.

                Sa plano ni dating Pangulong Ramos ay hindi lubusang natamo ang kanyang hangarin na mapaunlad ang ating ekonomiya. Dahil sa mga panahong iyon ay mas patuloy na dumarami ang bilang ng mga mahihirap, hindi pa rin bumubuti ang karamihan sa buhay ng mga Pilipino, at napag-iiwanan pa rin tawo ng mga kalapit bansa sa Asya sa aspektong pang-ekonomiya at pangpolitika.

                Ganoon din sa mga plano ni dating Pangulong Arroyo. Wala pa rin masyadong pagbabago ang nakikita. Mas parami ng parami pa rin ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.

                Upang mapatupad ang bawat plano ng isang pangulo ay dapat rin tayong mga mamamayan magtulungan. Kailangan ng pagkakaisa, at commitment ng lahat ng sektor ng ekonomiya at pati ang partisipasyon nating mamamayan.


Our poll
Rate my site
Total of answers: 175
Statistics

Total online: 1
Guests: 1
Users: 0
Login form
Search
Site friends
  • Create a free website