KABANATA 11
MGA ESTRUKTURA NG PAMILIHAN
Aralin 22: Isang Sulyap sa Ganap na Kompetisyon
Ang pamilihan ay nauuri sa ganap na kompetisyon at di-ganap na kompetisyon. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang negosyante ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Ito ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: 1.) Magkakapareho ang produkto; 2.) Malaya sa Paglabas at Pagpasok sa Industriya; 3.) Marami ang mamimili at nagbibili ng produkto; 4.) Sapat na kaalaman at impormasyon at 5.) Malayang Paggalaw ng mga Salik ng Produksiyon. Ang presyo ng produkto ay naaayon sa mekanismo ng bilihan na may maraming mamimili at nagbibili. Walang kumokontrol at walang sinuman ang may sapat na puwersa upang itakda ang presyo. Sa pag-alam ng lebel ng produksiyon na magbibigay ng pinakamalaking tubo as isang negosyante, ginagamit ang Total Revenue (TR) – Total Cost (TC) at ang Marginal Revenue (MR) – Marginal Cost (MC).
|