Ikalima ang presyo ng mag-ugnay sa produkto. Mayroong itinatawag na substitute goods at complementary goods. Ang substitute goods ay mga produkto na pamalit sa ginagamit
na produkto. Ang pagtaas ng presyo ng produkto na dating ginagamit ang nagtutulak sa konsyumer na humanap ng kapalit na produkto. Ang complementary goods naman ay mga produkto na
kinokonsumo nang sabay. Ang pagtaas ng presyo ng isang kakomplementaryong produkto ay magiging dahilan ng pagbaba ng demand sa dalawang produkto.
At ang ikaanim ay ang kita. Ang kita ang sinasabi ng basehan ng pagtatakda ng budget sa pamilya. Ang pagkakaroon ng malaki o maliit na kita ng tao ay nakaaapekto sa pagtatakda
ng demand. Normal goods ang tawag sa mga produkto na tumataas agn demand sa mga ito kasabay ng pagtaas ng kita ng tao. Inferior goods naman ang tawag sa mga produkto na hindi
tumataas ang demand kahit tumaas ang kita ng mga tao.
Ang epekto ng presyo at ibang salik ng demand ay mailalarawang sa pamamagitan ng graph. Ang pagtulay sa kurba ay nagpapakita ng epekto ng pagtaas ng presyo sa pagbabago
ng demand. Ang paglipat ng kurba sa kanan ay nagpapakita ng pagtaas ng demand bunga ng mga salik nito.