Kabanata 7
MGA NAPAPANAHONG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
Aralin 13:
Mga Sistemang Pang-ekonomiya
Ang alokasyon ay nagsisilbing sagot sa kakapusan. Sa kabilang dako, binalikan din ng buong klase ang tungkol sa sistemang pang-ekonomiya. Ito ay sumasaklaw sa estruktura, institusyon, at mekanismo na batayan ng mga gawaing pamproduksiyon.
Maliban dito, tinalakay din ang iba’t ibang uri ng sistemang pang-ekonomiya. Una, tradisyonal, ikalawa ang command, at ikatlo ang market na ekonomiya. Sa tradisyonal na ekonomiya, ang pagdedesisyon ay naaayon sa tradisyon at kinagawian. Ang command na ekonomiya naman ay pinagpapasiyahan ng estado. Ilan sa mga halimbawa nito ang komunismo at sosyalismo kung saan ang estado ang humahawak at kumokontrol sa mga pangunahing industriya.