Ang value na mahigit sa isa ay naglalarawan naman sa elastic na elasticidad. Ang pagtugon ng konsyumer sa bawat porsiyento ng pagbabago ng presyo ay nagiging elastic kung sa bawat 1% ng pagtaas ng presyo, ang demand ng konsyumer ay mababawasan ng mahigit sa 1%. Sa ganap na elastic, ipinapakita na ang konsyumer ay hindi handing tumanggap ng anumang pagtaas ng presyo ng mga produktong maraming kapalit at di gaanong kailangan. Sa unitary naman, ang value nito ay katumbas ng 1 na nangangahulugang sa bawat 1% na pagbabago ng presyo, ang demand ay bababa ng 1% na pagbabago ng presyo, ang demand ay bababa ng 1%.
|