KABANATA
10
ANG EKILIBRIYO AT GASTUSING PAMPRODUKSIYON
Aralin 19: Pag-uugnayan ng Konsyumer at Prodyuser
Ang pamilihan ay isang lugar kung saan nagaganap ang epektibong transaksiyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser. Kapag nagkasundo ang konsyumer at prodyuser ay nagkakaroon ng ekilibriyo sa pamilihan. Ang ekilibriyo ay isang kalagayan kung saan ang presyong nakatakda sa produkto ay tamang-tama sa gusto at kayang ibinebenta ng prodyuser. Sa araling ito, mayroong tinatawag na presyong ekilibriyo, ekilibriyong dami, pagbabago ng ekilibriyo sa pamilihan sanhi ng pagbabago ng demand at supply, at
pagbabago ng demand habang walang pagbabago sa supply. Ang presyong ekilibriyo ay ang pinagkasunduang presyo ng dalawang tauhan sa pamilihan. Samantala, ang ekilibriyong dami naman ay tumutukoy sa dami ng produkto na handing bilhin at ipagbili ng konsyumer at prodyuser sa napagkasunduang presyo.
|