KABANATA 8
PAGSUSURI NG DEMAND
Aralin 14:
Gawi ng KonsyumerSa araling ito, binigyang kahulugan ang demand. Ito ay ang dami ng produkto at serbisyo na kaya at handing bilhin ng mga konsyumer sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon. Sinasabing ang demand at presyo ay laging magkaugnay at ito ay mailalarawan sa iba’t ibang paraan. Sinasaad din sa batas ng demand na higit na mataas ang presyo, higit na mababa ang demand.
Sinasabing may
tatlong paraan upang medaling maunawaan ang ekonomiks. Una, ang salita para malaman ang mga teorya, ang grap, at ang ikatlo ay ang paraang matematikal kung saan naipapahayag ang ugnayan ng presyo at demand. Ang demand
function ay nagpapakita ng relasyon ng demand at presyo na sinasabing magkasalungat o di-tuwiran. Ang demand schedule naman ay isang talahayan na nagpapakita ng dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng konsyumer. At ang demand curve ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng bibilhing produkto. Masasabi natin na anuman ang gamitin sa paglalarawan ng demand, demand
function, demand schedule, at demand curve man ay ipinakikita ang di-tuwirang relasyon ng presyo at demand.